Lindol sa Batangas, bahagyang naramdaman sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2017 02:06 PM | Updated as of Aug 11 2017 11:19 PM

Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang timog kanluran ng Nasugbu, Batangas, 1:28 ng hapon ng Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). 

Maaaring magkakaroon ng aftershocks matapos ang pagyanig, ngunit wala namang inaasahang tsunami na idudulot ang lindol. 

Tumama ang lindol sa 16 kilometro ng Nasugbu, Batangas sa lalim na 177 kilometro.

Nadama rin ang pagyanig sa ilang bahagi ng Metro Manila. Pinalabas din ang ilang empleyado mula sa kanilang pinagtatrabahuhang gusali. 

PANOORIN: Lindol, bumulabog sa Metro Manila

Nadama ang mga sumusunod na intensity sa mga lugar na ito: 

Intensity IV - Nasugbu, Calatagan & Balayan, Batangas; Calapan, Sablayan & Mamburao, Occidental Mindoro; Manila; Parañaque City; Pasig City;Taguig City; Pasay City; Rosario, Maragondon, Noveleta & Dasmariñas, Cavite; Floridablanca, Pampanga; Olongapo City; Subic and Iba, Zambales

Intensity III - Puerto Galera, Oriental Mindoro; San Jose, Occidental Mindoro; Tagaytay City; Canlubang, Laguna; Indang & Alfonso Cavite; Bocaue, Malolos, Obando and Balagtas, Bulacan; Dagupan City; Dau, Pampanga; Lingayen, Pangasinan; Bagac, Bataan; Baguio City; Pateros; Quezon City; Makati City; San Juan City; Marikina City; Cainta and San Mateo, Rizal; 

Intensity II - Sta. Rosa, Laguna; Gasan, Marinduque; Magalang & Sto. Tomas, Pampanga; Tanauan City Batangas; 

Intensity I - Talisay, Batangas; Pantabangan, Nueva Ecija; Meycauayan, Bulacan; Atok, Benguet. 

Ayon naman kay Phivolcs Director Renato Solidum, hindi naman gaanong malakas ang lindol, at hindi rin ito inaasahang magsimula ng mga paggalaw sa iba pang fault.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.