41 na lumabag sa mga ordinansa timbog sa Parañaque

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2017 09:37 AM

MANILA - Kulong ang 41 katao nang mahuli sa ikinasang One Time Big Time Operation sa Parañaque, Biyernes.

Anim sa mga arestado ang may kasong droga, tatlo ang may warrant of arrest, at 32 ang nag-iinuman sa kalye.

May isa ring nahuling naninigarilyo sa pampublikong lugar ang hindi pinalampas ng pulisya.

Nasa 29 na menor de edad na nahuli sa paglabag sa curfew ang isinailalim sa counseling. 

Ang mga ilang walang sundo ay dinala sa Bahay Pagasa sa Barangay La Huerta.

Siyam na tao na hindi nagsuot ng damit pang-itaas ang pinatawan ng parusang community service.