Dating pulis, patay matapos 'manlaban' sa mga kapwa-pulis

May Diez, ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2016 09:41 PM

Former Police Officer 3 Rex Ofianga

BUTUAN CITY - Patay si dating Police Officer 3 Rex Ofianga matapos umanong manlaban sa mga otoridad Miyerkules ng hapon sa loob mismo ng kanyang bahay sa Purok 8, Barangay Ambago, Butuan City.

Ni-raid ng mga pulis ang bahay ni Ofianga dahil dati na itong may kaso sa pagtutulak ng shabu.

Isang kalibre .38 na baril ang hawak ni Ofianga. Mayroon ring nakitang granada sa bulsa ng kanyang pantalon.

Apat na lalaki pa ang inaresto matapos mahuling gumagamit ng iligal na droga. Narekober rin ang mga sachet na pinaniniwalaang pinaglagyan ng shabu sa loob ng kwarto.

Taong 2014 pa nang nag-AWOL si Ofianga hanggang sa tuluyan nang na-dismiss sa serbisyo. Labing-isang taon nagsilbi bilang pulis si Ofianga.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.