PatrolPH

Sapul sa CCTV: 2 babae harapang tinangayan ng cellphone sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2022 05:12 AM

Watch more News on iWantTFC
Kuha ni Rechelle Gonje

Sapul sa CCTV ang biglaang pagtangay ng isang lalaki sa mga cellphone ng dalawang babaeng empleyado ng isang kainan sa bayan ng Pandi, Bulacan.

Kwento ng isa sa mga biktima na si Rechelle Gonje nitong Martes, habang sila ay nanonood sa kani-kaniyang cellphone, may biglang pumasok na lalaki at biglang hinablot ang kanilang mga gadget.

Mabilis tumakbo ang lalaki at umangkas sa isang motorsiklo at nakataas. 

Hindi nila namukhaan ang suspek dahil bukod sa naka-hood ang jacket ay nakatakip pa ang mukha. 

Naireport na ang insidente sa mga pulis at patuloy ang imbestigasyon. - Ulat ni Grace Alba

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.