PatrolPH

Nabaril na Ateneo security guard nailibing na

Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2022 05:19 PM | Updated as of Aug 10 2022 05:20 PM

Naidala na sa kaniyang huling hantungan si Jeneven Bandiala, ang Ateneo guard na nabaril. Kuha ni Cristina Mascardo
Naidala na sa kaniyang huling hantungan si Jeneven Bandiala, ang Ateneo guard na nabaril. Kuha ni Cristina Mascardo


Inilibing na ang napaslang na Ateneo de Manila University (ADMU) security guard na si Jeneven Bandiala sa Lopez Jaena, Misamis Occidental ngayong Miyerkoles. 

Inihatid siya ng kanyang mga kaibigan at kapamilya na pinangunahan ng kanyang asawa na si Cristina Mascardo.

"Bibisita na lang po ako sa kanya kada taon, kailangan ko pong bumalik ng Maynila," ani Mascardo.

Sa Sabado ay nakatakda nang lumipad pa-Maynila ni Mascardo upang bumalik sa trabaho bilang security guard.

"Para po ito sa pag-aaral ng anak ko, 2 na lang po kami."

Umaasa si Mascardo na mabibigyan ng agarang hustisya ang pagkamatay ng mister.

Nakipagsapalaran umano sa Maynila si Bandiala upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya sa Lopez Jaena.

"Mabait pong tao siya sa lahat — sa amin, sa pamilya niya at mga kaibigan," dagdag ni Mascardo.

Isa si Bandiala sa mga biktima ng pamamaril sa loob ng Ateneo de Manila University campus sa Quezon City nitong Hulyo 24. Kabilang sa mga napaslang si dating Lamitan City Mayor Rose Furigay at kanyang executive assistant na si Victor Capistrano.

KAUGNAY NA ULAT 

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.