10 negosyo nasunog sa Agusan del Sur

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2022 09:45 AM

MANILA -Nasunog ang 10 establisimyento sa Libres Street, Barangay Taglatawan, Bayugan City, Agusan del Sur nitong Agosto 8, Lunes ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), bandang 7 p.m. nagsimula ang sunog sa isang tindahan ng mga motorsiklo at agad kumalat sa katabing mga tindahan. 

10 negosyo nasunog sa Agusan del Sur 1
10 negosyo nasunog sa Agusan del Sur 2
10 negosyo nasunog sa Agusan del Sur 3
10 negosyo nasunog sa Agusan del Sur 4
10 negosyo nasunog sa Agusan del Sur 5
Photo Courtesy: Jordan Udtojan
Photo Courtesy: Jordan Udtojan
Photo Courtesy: Jordan Udtojan
Photo Courtesy: Jordan Udtojan
Photo Courtesy: Jordan Udtojan

Agad namang narespondehan ng BFP Bayugan ang sunog sa tulong na rin ng mga fire trucks ng karatig bayan.

Hindi pa matiyak ng BFP kung ano ang sanhi ng sunog na tumupok sa mga katabing tindahan ng LPG, optical clinic, bake shop at iba pa.

Bandang 8:45 p.m. naideklara ang fire out. Wala namang naiulat na nasugatan o namatay sa insidente.

Aabot sa mahigit P1.6 million ang pinsalang idinulot ng apoy.

--ulat ni Charmane Awitan