PatrolPH

P700K halaga ng ilegal na droga nasabat sa QC, at Valenzuela

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2021 08:05 AM | Updated as of Aug 10 2021 08:13 AM

Watch more on iWantTFC

Sa kulungan ang bagsak ng 3 lalaki sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City at Valenzuela City.

Sa paunang impormasyon mula sa NCRPO, inaresto ng Anonas Police si alyas Ash, 48, isang online seller na suma-sideline umano sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Quezon City.

Gamit ang P34,000 boodle money ay nakipagtransakyon ang poseur-buyer sa suspek. Nang magkapalitan na ng pera at droga ay doon inaresto si Ash, na nakuhanan ng 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000. 

Timbog naman ang 2 lalaki sa anti-drug operation ng Northern Police District sa Barangay Marulas, Valenzuela City.

Pawang mga walang trabaho ang mga suspek at nagbebenta umano ng marijuana sa Camanava area.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 3 kilo ng umano'y marijuana na nagkakahalaga ng P360,000.

Mahaharap sa kasong paglabas sa RA 9165 ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.