PatrolPH

Manila City Hall worker huli sa pagbebenta umano ng maseselang larawan

Jerome Lantin, ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2021 04:08 PM

Inaresto noong gabi ng Lunes ang isang tauhan ng Manila City Hall dahil sa umano'y pagbebenta ng mga malalaswang retrato at video ng mga menor de edad.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang suspek bilang si Reymil Sadi, na 2 taon nang job-order employee sa City Hall. 

Ayon sa imbestigasyon, kinukuhanan ng suspek ng malalaswang retrato at video ang ilang menor de edad, na binebenta niya online sa mga banyaga.

"Ang mga biktima niya dito mga bata. Ine-exploit niya ang mga bata na ito," sabi ni Police Capt. Philipp Ines ng MPD public information office.

Marami na rin umanong nabiktima si Sadi pero isang complainant pa lang ang nagtuloy na naghain ng kaso.

Sumalang na sa inquest proceeding ang suspek para sa reklamong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act.

Walang piyansa sa kinahaharap na reklamo ni Sadi.

 FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.