PatrolPH

Labi ng Sulu police chief na pinaslang ng kapuwa pulis, naiuwi na sa Baguio

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2021 02:21 PM

Dumating nitong Agosto 10, 2021 sa Baguio City ang mga labi ni Police Col. Michael Bawayan Jr., dating police director sa Sulu na napatay sa pamamaril ng kaniyang kapuwa pulis.
Dumating nitong Agosto 10, 2021 sa Baguio City ang mga labi ni Police Col. Michael Bawayan Jr., dating police director sa Sulu na napatay sa pamamaril ng kaniyang kapuwa pulis.

Dumating ngayong Martes sa Baguio City ang mga labi ng dating police director ng Sulu na namatay sa pamamaril ng kaniyang kapuwa pulis.

Pagdating sa Loakan Airport nitong umaga ng Martes, inalayan ng dasal at ginawaran ng full military honots si Police Col. Michael Bawayan Jr.

Noong Biyernes, namatay si Bawayan, 49, matapos barilin ni Police Staff Sgt. Imran Jilah habang nagi-inspeksiyon sa checkpoint sa Jolo.

Hindi pa tiyak ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay pero bumuo na ng task group ang Philippine National Police para imbestigahan ang insidente.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang pamilya ni Bawayan.

Ilalagak ang mga labi ni Bawayan sa bahay ng pamilya niya sa Barangay Brookside, Baguio City.

— Ulat ni Mae Cornes

 RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.