P2 milyong halaga ng shabu nakumpiska sa Pampanga; 4 arestado

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2019 03:37 PM | Updated as of Aug 10 2019 10:13 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Apat ang arestado sa buy-bust operation na isinagawa ng Police Regional Office 3 (PRO-3) sa subdivision sa Mabalacat City, Pampanga nitong Biyernes.

Ayon kay Police Cpl. Lucky Velasco, imbestigador ng drug enforcement unit ng PRO-3, ang mga suspek umano ang nagbabagsak ng droga sa Mabalacat at Angeles City.

Dagdag niya, itinuturong high-value target ang mga naarestong suspek.

Nakuha mula sa kanila ang mahigit 300 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2 milyon.

Kasama sa naaresto ang lider ng grupo na si alyas "Perly."

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

-- Ulat ni Trisha Mostoles, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.