PatrolPH

'Malaking tulong': Metro Manila fire chief pabor na armasan ang mga bombero

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2019 03:56 PM


MAYNILA — Pabor ang hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Metro Manila na magbitbit ng mga baril ang bombero dahil "malaking tulong" daw ito sa peace and order ng bansa.

"Kung ma-authorize, malaking tulong ito sa maintenance ng public order at the same time in support to the campaign of the police and Armed Forces," sabi ni Fire Chief Supt. Wilberto Kwan Tiu, hepe ng BFP-Metro Manila.
 
Maalalang noong Agosto 1, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat armasan ang mga bombero para makatulong sila sa mga operasyon ng pulisya at militar kontra New People's Army.

"You are not limited to just fire. You have to go around and help the police and the military. You must help, and you must have killed the enemy, kasi ang enemy ninyo papatayin talaga kayo," ani Duterte.

Depensa ni Tiu, karamihan sa hanay ng BFP ay graduates umano ng Philippine National Police Academy kaya may sapat silang training para magbitbit ng mga baril.

Iwas-gulo at iwas-nakaw din umano kapag nalaman ng tao na may bitbit na baril ang mga bombero.

"Para sa asset protection, during fire incidents, 'pag may presence of security forces, maiiwasan ang gulo," sabi ni Tiu.

 —Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.