PatrolPH

Ama pinatay, sinunog umano ng sariling anak

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2019 02:54 PM

PAMPLONA, Negros Oriental — Patay ang isang 78 anyos na lalaki matapos umano ito pagsasaksakin at sunugin ng sariling anak noong Biyernes ng umaga sa bayan na ito. 

Sa inisyal na ulat ng Pamplona police, naglalakad ang biktima sa labas ng kanilang bahay nang bigla na lang itong atakihin ng kaniyang anak sa hindi pa mawaring dahilan.

Tumakas ang suspek pero agad nahuli sa followup operation. Nabawi sa kaniya ang bolo na pinaniniwalaang ginamit niya sa pagpatay sa ama.

Hindi pa matukoy ng pulis kung ano ang motibo ng anak sa pagpatay sa ama.

Pero ayon sa pulisya, may diperensiya umano sa pag-iisip ang suspek base sa pahayag ng kaniyang pamilya. 

Sinampahan ng kasong parricide ang suspek.

—Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.