Faeldon inoobserbahan sa ICU

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2017 08:37 AM

MANILA - Sa gitna ng kinakaharap na mga paratang ng korapsyon, nakaranas ng pananakit ng dibdib si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon, na hanggang Huwebes ay inoobserbahan pa rin sa isang intensive care unit. 

Gising naman at nakakausap si Faeldon sa ICU ng Manila East Medical Center sa Taytay, Rizal, ayon sa isang ABS-CBN source. 

Una nang nabigo si Faeldon na makadalo Lunes sa pagdinig ng Kamara ukol sa kabuguan ng BOC na maharang ang pagpasok sa bansa ng P6.4 halaga ng shabu mula Tsina noong Mayo. 

Ipinaliwanag ni Faeldon na nagkaroon siya ng dental emergency. 

Nakaranas din aniya siya ng hypertension kaya nabigong makarating sa hiwalay na imbestigasyon ng Senado ukol sa naturang shipment ng droga, Miyerkoles. 

Ipinag-utos naman ni House Ways and Means Committee Chairman Dakila Carlo Cua na puntahan ng medical services ng Kamara sa ospital si Faeldon para matiyak ang kondisyon ng kalusugan nito. -- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News