Sanggol, iniwan sa kahon ng sapatos

John Germono, ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2016 09:20 PM

John Germono, ABS-CBN News

PANGASINAN - Bandang alas-4, Miyerkules ng madaling araw nang matagpuan sa national highway ng Barangay Ventenilla, Sta. Barbara sa Pangasinan ang isang 8-buwang sanggol na inilagay sa isang kahon ng sapatos.

Ayon sa pulisya, isang guwardiya ng gasoline station ang nakakita umano ng isang tricycle sa lugar kung saan natagpuan ang sanggol.

Nakita ng guwardiya ang sanggol nang magtapon siya ng basura malapit sa isang punerarya.

Inakala pa raw ng gwardiya na kuting ang umiiyak sa may basurahan.

Pinangalanang "Alexa" ang sanggol.

Hinala ng pulis, inabandona ang sanggol ng kanyang mga magulang.

Maayos na ang kalagayan ng sanggol na kasalukuyang nasa ospital.

Nakikipag-ugnayan ang pulisya sa mga social worker na siyang mangangalaga sa inabandonang bata.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.