'Narco cops' maaaring ideklarang AWOL

DZMM

Posted at Aug 10 2016 04:24 PM

Posibleng ituring na naka-absent without official leave (AWOL) ang mga pulis na umano'y protektor ng droga kung hindi sila mag-uulat sa kanilang mga nakatataas. 

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Senior Supt. Dionardo Carlos na dapat sana ay nakapag-ulat na sa kanilang mother unit ang mga akusadong pulis, 24 oras mula nang idawit sila ni Pangulong Duterte sa listahan ng mga "narco official." 

Idedeklara anya naka-AWOL ang mga pulis kapag nabigo silang lumutang sa mga awtoridad sa loob ng 11 araw. 

Maaari rin umanong kasuhan ang mga naturang pulis ng insubordination.

-- Ulat ni Henry Atuelan, DZMM