PatrolPH

Sunog sumiklab sa isang mall sa Antipolo City

Karen De Guzman, ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2023 08:44 AM

Sunog sumiklab sa isang mall sa Antipolo City

Sumiklab ang sunog sa bahagi ng isang mall sa Antipolo City pasado alas kwatro ng madaling araw nitong Miyerkules. 

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa ground floor ng naturang mall. 

Umabot ang sunog sa unang alarma bago idineklarang fire out bandang ala sais ng umaga. 

Iniimbestigahan pa ng BFP kung ilang establisyimento ang naapektuhan ng sunog at kung ano ang pinagmulan nito.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.