TFC News

TIGNAN: Bayanihan Council Abu Dhabi, nagsagawa ng blood donation drive

Aldwin Cosuco | TFC News UAE

Posted at Aug 09 2022 03:48 PM

ABU DHABI - Isang blood donation drive ang idinaos ng The Bayanihan Council Abu Dhabi sa Abu Dhabi Blood Bank noong July 23, 2022. 

Blood donation

Ito'y bahagi ng quarterly community solidarity program ng council upang mahimok ang mga Pilipino at ibang expatriates sa United Arab Emirates na mag-donate ng dugo upang makasagip ng maraming buhay. 

Donasyon ng dugo

Ang Bayanihan Council Abu Dhabi ay isang Filipino umbrella organization ng Filipino groups at associations sa Abu Dhabi at kinikilala ng Philippine Embassy sa UAE.

Mga tarp ng donasyon

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Gitnang Silangan, Europa at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.