PatrolPH

Paglubog ng lupa sa sitio sa Mountain Province, patuloy matapos ang lindol

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2022 01:28 AM

Kuha ng MSWDO Sadanga
Kuha ng MSWDO Sadanga

Patuloy ang paglubog ng lupa sa isang sitio sa bayan ng Sadanga, Mountain Province mahigit isang linggo matapos ang Magnitude 7 na lindol sa Luzon.

Ayon sa Sadanga social welfare and development office, kada araw ay may isang metro ang ibinababa ng lupa sa Sitio Tatabra-an, Brgy. Sacasacan buhat noong Agosto 4.

Nasa limang bahay ang inirekomenda nila na hindi na maaaring tuluyan habang anim na bahay ang nanganganib din sa pagguho.

May apat na kamalig ang hindi na rin magamit dahil nagkaroon ng mga bitak sa kinatatayuang lote.

Ilang may-ari ang nagsimula nang magbaklas at maglipat ng kanilang mga ari-arian simula nitong Linggo.

Lumubog din ang ilang bahagi at nagkabitak-bitak ang Tekan Road kaya hindi ito madaanan.

Napaulat na napinsala rin ang water system sa Brgy. Poblacion dahil sa pagguho ng lupa.

Noong Biyernes, isinailalim na sa state of calamity ang Brgy. Sacasacan.—Ulat ni Harris Julio

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.