MAYNILA (UPDATE) — Ipinagbawal muna ng Western Visayas ang pagtanggap sa mga locally-stranded individual (LSI), dahilan para ma-stranded ang mga marami sa mga pantalan, kabilang ang Manila North Harbor.
Ayon kay Philippine Ports Authority General Manager Jay Daniel Santiago, muling nagpatupad ng moratorium ang Western Visayas sa lahat ng mga papasok na pasahero simula Agosto 7 na tatagal na 2 linggo.
Ayon kay Santiago, may biyahe naman sa mga lugar na walang moratorium sa mga LSI.
Iginiit ni Santiago na ginagawa nila ang lahat para matugunan ang pangangailangan ng mga na-stranded pero limitado lang din ang kaya ng ahensiya.
"Hindi na natin saklaw paano sila mata-transport back doon sa saan sila nanggaling," ani Santiago.
"We can only do so much for as long as nasa loob sila ng terminals natin," dagdag niya.
Nakiusap si Santiago sa mga pasahero na i-check muna kung tuloy ang biyahe bago pumunta ng pier.
Nitong Linggo, namigay din ng mga duyan, face mask, bigas at de-lata sa mga stranded na LSI ang aktor na si JM De Guzman.
Bukas din ang PPA para sa mga donasyon.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, Western Visayas, Iloilo, locally stranded individuals, Philippine Ports Authority, COVID-19 pandemic, coronavirus disease, coronavirus Philippines update, Manila North Harbor, TV Patrol, Bianca Dava