Higit P700-K 'shabu' nakuha sa 2 suspek sa Navotas drug bust

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2020 12:09 PM

Arestado ang 2 lalaki matapos silang makuhanan ng nasa higit P700,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Navotas City, sabi ngayong Linggo ng pulisya.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek bilang sina alyas "Jessie," 36, at "Percival," 39, na kapuwa residente ng Barangay San Roque sa lungsod.

Ayon kay Police Capt. Ramon Acquiatan, hepe ng Northern Police District Drug Enforcement Unit, binentahan ng mga suspek ng P1,000 halaga ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha sa mga suspek ang mga sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 104 gramo at nagkakahalagang P707,200, ayon sa pulisya.

-- Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.