PANOORIN: Sasakyan inaahon mula sa Marikina River

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2019 06:33 PM | Updated as of Aug 10 2019 04:20 AM

 

MAYNILA—Tinulungang iahon ng mga awtoridad ang isang sasakyan mula sa Marikina River. 

Sa kuha ng video ng residenteng si Raymond Sevillena, kita ang pagtutulak ng Marikina traffic department at Bureau of Fire Protection ng lungsod sa isang maliit na jeep. 

Ito ay sa gitna ng malakas na ulan na nararanasan sa ilang parte ng Metro Manila. 

Inaalam pa sa ngayon ng ABS-CBN News kung paano napunta sa tubig ang sasakyan. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.