Mangingisda naisalba matapos tangayin ng dagat sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2019 08:34 PM

Milagrong nakaligtas ang isang mangingisda na natangay ng dagat. Photo by Nony Basco, ABS-CBN News


ILOILO - Nailigtas ang isang mangingisda mula sa dagat sa Barangay Calaparan Arevalo, Iloilo Biyernes ng gabi.

Ayon sa mga awtoridad, halos isang oras na palutang-lutang sa dagat si Reynaldo Abelajen, 72-anyos, bago ito namataan ng isang concerned citizen na tumawag sa kinauukulan.

Kaagad na nagdeploy ng search and rescue team ang Philippine Coast Guard at inabutan ang biktima na nakayakap sa bouya na gamit sa pangingisda.

Napag-alaman na lumangoy patungo sa kanyang lambat si Abelajen upang tingnan kung may huli itong isda. Ngunit dahil sa lakas ng alon ay tinangay siya papunta sa gitna ng dagat.

Nagpapalakas na ang mangingisda.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.