PatrolPH

Barko nasunog habang nakadaong sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2019 05:32 AM

Barko nasunog habang nakadaong sa Zamboanga City 1
ABS-CBN News

ZAMBOANGA CITY—Nasunog ang isang cargo vessel habang nakadaong sa Barangay Recodo, Zamboanga City Biyernes ng madaling-araw.

Kuwento ni Roslan Omar, tauhan ng MV Nurhuda, natutulog sila nang sumiklab ang sunog malapit sa kusina ng barko. Mabilis na kumalat ang apoy at agad silang humingi ng tulong.

"Buti na lang nagising kami. Doon kasi kami natutulog sa pilot house," aniya.

Umabot sa third alarm ang sunog at wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Ayon kay Zamboang City fire marshal Jhufel Brañanola, ilang buwan nang nakadaong ang MV Nurhuda sa dockyard para ayusin ang depekto nito.

Bumibiyahe umano ito sa Malaysia para magdala ng mga produkto at iba pang kagamitan.

Inaalam pa ng mga bombero ang sanhi ng sunog. Tinatayang nasa P7 milyon ang pinsala nito.—Ulat ni Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.