PatrolPH

'Akyat-bahay' bugbog-sarado sa Las Piñas

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2019 07:04 AM

MAYNILA—Bugbog-sarado ang isang lalaki matapos maaktuhang magnakaw sa isang bahay sa Barangay C.A.A., Las Piñas City Biyernes ng hatinggabi.

Ayon kay Police Col. Simnar Gran, hepe ng Las Piñas City Police, naabutan ang suspek ng biktima sa second floor ng bahay.

Nagtangkang tumawid ang suspek sa bubong ng kapitbahay pero naharang ito. Bugbog ang inabot ng suspek sa taumbayan.

Nawalan ang biktima ng relo at cellphone na nakapatong sa ibabaw ng refrigerator.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek na mula pa sa Parañaque. Sasampahan siya ng kasong theft.—Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.