Higit 1,000 pasahero ng MRT, pinababa dahil sa pumalyang motor ng tren

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2018 10:53 PM

MAYNILA - Mahigit 1,000 pasahero ng MRT-3 ang pinababa sa Buendia Station northbound matapos pumalya ang motor ng tren nitong gabi ng Huwebes.

Pinasakay na lang ang mga pasahero sa sumunod na tren makalipas ang 9 na minuto.

Posibleng dahilan ng electrical failure sa tren ang sirang electrical sub-components tulad ng main chopper, regulator at insulator, ayon sa Department of Transportation.

Isasailalim ang nasiraang tren sa preventive maintenance.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.