BULACAN - Patay ang 3 lalaki sa magkahiwalay na operasyon ng mga pulis sa Bulacan.
Sa Barangay Lapnit, San Ildefonso, nauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation na ikinamatay ni Estong Villanueva.
Ayon sa pulisya, bumunot umano ng baril ang suspek nang aarestuhin. Nakatakas naman ang kaniyang kasamahan.
Samantala, napatay rin sa engkuwentro ang umano'y miyembro ng isang gun-for-hire group sa Barangay Pinaod, San Ildefonso.
Nagpaputok umano ang suspek na kilala lamang bilang alyas Osbet nang mamataan ng mga pulis.
Sangkot umano ang suspek sa holdapan at extortion sa mga negosyante sa ikatlong distrito ng Bulacan.
Sa Barangay Duhat, Bocaue naman, nasawi ang isang alyas Toto nang mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation.
Nakatakas naman ang kaniyang kasamahan sakay ng motorsiklo. - Dennis Datu, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Regional news, Tagalog news, buy-bust, drugs, pusher, gun-for-hire, shootout, San Ildefonso, Bocaue, Bulacan