'Top 8 most wanted' ng Tagaytay, timbog sa Taytay

Mariz Laksamana, ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2017 02:30 AM | Updated as of Aug 10 2017 07:38 AM

May warrant of arrest si Eliseo Besa para sa kasong homicide sa Tagaytay City noong 2001.

Nasakote ng Tagaytay Police sa Taytay, Rizal nitong Martes ang sinasabing ika-8 sa listahan ng "most wanted" na mga kriminal sa siyudad.

Kasamang iniuwi ng Tagaytay Police mula Taytay si Eliseo Besa.

May warrant of arrest si Besa para sa kasong homicide sa Tagaytay City noong 2001.

"He shot someone and in that act, the victim died and ever since he’s been in hiding. And today this early afternoon we were able to trace him in Rizal province," ani Supt. Sancho Celedio, hepe ng Tagaytay City Police.

Ani Besa, dalawang taon pa lamang siya sa Taytay. Nagtagal rin umano siya ng pitong taon sa Pasig City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.