Dating hepe ng pulis sa Laoag, patay sa pamamaril

Kim Lorenzo, ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2017 09:02 AM | Updated as of Aug 09 2017 09:31 AM

Photo courtesy of Fred Gonzales

SARRAT, ILOCOS NORTE - Patay ang retiradong pulis na si Senior Superintendent Jeffrey Gorospe matapos pagbabarilin kagabi sa Barangay 7, Sarrat, Ilocos Norte.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang grupo ni Gorospe sa isang kubo-kubo matapos umanong manalo sa sabong nang pagbabarilin ito.

Nagtamo ito ng 2 tama sa likod.

Photo courtesy of Fred Gonzales

Itinakbo sa isang pribadong hospital pero binawian rin ng buhay. Narekober sa crime scene ang empty shell ng M-16.

Hindi naman nakilala ang gunman na agad namang tumakas.

Nagsilbing Hepe ng pulisya sa lungsod ng Laoag si Gorospe bago ito mag retiro noong 2015.