Batang nawawala, natagpuan patay sa irrigation canal sa Leyte

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2017 12:18 PM

Photo courtesy of Alang-Alang Police

ALANG-ALANG, Leyte – Nangangamoy at naaagnas na ang bangkay ng isang bata nang matagpuan kahapon ng umaga sa irrigation canal sa bayan ng Alang-Alang.

Ayon sa pulisya, ilang magsasaka ang nakakita sa bangkay sa Sitio Tigbe, Barangay Hubang.

Nakilala ang bangkay na si Geselle Abala, 7-anyos, at residente ng Barangay Binongtoan sa nasabing Bayan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nawawala ang bata noon pang Agosto 5 at kahapon lamang ito nakita.

Ayon pa sa awtoridad, posibleng nalunod ang bata na siyang dahilan sa pagkamatay nito.

Agad itong inilibing dahil nasa state of decomposition na ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.