5 inmate nakatakas sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2017 12:20 PM | Updated as of Aug 09 2017 03:08 PM

MANILA - Nakapuga ang 5 preso mula sa lock-up cell ng Rosario, Cavite Miyerkoles ng umaga.

Nagpanggap na patay ang isa sa mga preso kaya napilitan ang jail guard na si SPO2 Africa na buksan ang pinto ng selda, ani Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon police.

Pinagtulungan aniya ng mga preso si Africa, dahilan para makatakas sila.

Nakilalala ang mga pugante bilang sina Dannymar Carino, Ryan James Villanueva, Frederick Legaszpi, Lindon Bartolo at Josefino Abad, na pawang nahaharap sa kasong illegal drugs.

Bumuo na ng tracker team ang Cavite police para tugisin sila. -- Ulat ni Noel Alamar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.