22-anyos na lalaki, patay sa pamamaril sa Cotabato

Jasper Acosta, ABS-CBN News Cotabato

Posted at Aug 09 2016 11:44 PM

COTABATO CITY – Patay ang isang 22-anyos na lalaki matapos barilin sa Mega Market sa Cotabato City.

Nakatayo lamang umano ang biktimang si Jamel Ali sa lugar nang bigla itong nilapitan ng isang lalaki at binaril gamit ang shotgun.

Nagtamo si Ali ng tama ng bala sa likuran, na ikinasawi nito.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente, at hinahanap ang salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.