PatrolPH

2 bata nalunod sa Pasig River

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2021 02:20 PM

Nalunod ang 2 bata sa bahagi ng Pasig River sa Barangay Santolan, Pasig nitong Sabado.

Ayon sa desk officer ng Barangay Santolan, naliligo ang mga bata sa gilid ng ilog bago mangyari ang insidente.

Agad umanong natagpuan ang bangkay ng isa sa mga biktima habang nitong umaga ng Linggo lang nahanap ang isa pang biktima.

Patuloy ang pagkalap ng impormasyon sa dahilan ng pagkalunod ng mga bata.

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.