Port of Manila District Collector Michael Angelo Vargas prepares counterfeit goods to be destroyed at a disposal facility in Valenzuela City on August 8, 2020. George Calvelo, ABS-CBN News
MAYNILA - Sinira ng Bureau of Customs ang nasa P500 milyong halaga ng pekeng produkto sa isang waste management facility sa Valenzuela City, umaga ng Lunes.
Sa isang pahayag, sinabi ng Bureau of Customs na ang mga sinirang counterfeit products ay dati nang nasamsam sa bisa ng mga operasyon ng kanilang mga tanggapan.
Sinira ang mga ito sa isang halong virtual at physical ceremony na nilahukan ng mga kinatawan ng mga kumpanyang may mga produktong pineke.
Tiniyak ni Port of Manila District Collector Michael Angelo Vargas na magiging mapanuri ang kanilang tanggapan laban sa pagpasok ng mga ipinagbabawal na produkto, kabilang na ang mga counterfeit na goods.
Nangako naman ang Bureau of Customs na magiging bukas sa pagsasagawa nila ng mga operasyon.
Nagbabala rin sila laban sa mga mag-iimport ng mga produktong lumalabag sa intellectual property laws.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, Customs, counterfeit goods, consumer, intellectual property, seized goods, intellectual property Philippines