PatrolPH

Sugatang dolphin nasagip sa Leyte

Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2019 07:14 PM

Sugatang dolphin nasagip sa Leyte 1
Nanghihina at may sugat ang dolphin nang masagip sa baybayin ng bayan ng Albuera sa Leyte. Larawan mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources- Region 8

Isang dolphin ang nasagip sa dagat na sakop ng Albuera, Leyte, Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa mga nakakita, mahina na ito nang makuha nila sa baybayin ng Sitio Magbangon, Barangay Tinag-an.

May nakita ring sugat sa dorsal fin at tail fluke ng dolphin.

Napag-alaman na ang dolphin na nasagip ay isang calf na melon-headed whale na may 1.5 meters ang haba.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng Ormoc City Fisheries Office Rehabilitation Facility ang dolphin.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.