MAYNILA - Pansamantalang isasara ang Sevilla Bridge sa Mandaluyong City sa Agosto 10 (Sabado), ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.
Ayon sa pahayag ng MMDA, bunsod ito ng paglilipat ng mga crane na gagamitin sa pag-install ng mga coping beams ng Skyway Stage 3.
Ang tulay ang nag-uugnay sa mga siyudad ng Mandaluyong at San Juan.
Magsisimula ang pagkukumpuni alas-10 ng Agosto 10 at muling bubuksan ang tulay bandang alas-10 ng umaga ng Linggo, Agosto 11.
Inabisuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta kaakibat ng pagsasara ng tulay.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, Sevilla Bridge, tulay, MMDA, abiso, advisory, Mandaluyong, San Juan, Skyway