MMDA sa EDSA traffic: 'Kailangang lahat tayo may disiplina'

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2019 07:44 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Sa ikaapat na sunod na araw, muling idinaing ng mga motorista at commuters ang mabagal na daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.

Katuwiran ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) EDSA traffic chief Bong Nebrija, may mga lumalagpas umano sa kanilang itinalagang "yellow lane" at may mga pasahero na naglalakad sa maling kalsada kaya muling nag-traffic.

"I do not want to single out any kind of transport pero the thing is the bottom line dito is kailangang lahat tayo may disiplina," ani Nebrija.

Sa kabila naman ng batikos, ipagpapatuloy ng MMDA ang pagpapatupad ng yellow lane policy sa EDSA kung saan doon lamang maaaring dumaan ang city buses.

Ito'y matapos sisihin ang naturang polisiya sa matinding trapiko na naranasan noong mga nakaraang araw.

Dagdag ng MMDA, lalakihan nila ang itinalagang yellow lane para magkasya doon ang city buses.

May plano rin ang MMDA na lagyan ng mga fence at baller ang EDSA para tiyaking mananatili sa tamang lane ang mga motorista.


—Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.