Kagawad patay sa pamamaril sa Masbate

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2019 07:14 PM

MAYNILA - Patay sa pamamaril ang isang barangay kagawad sa San Fernando, Masbate, Miyerkoles. 

Kinilala ang biktima na si Erna Cabiles, 48, kagawad ng Barangay Cañelas. 

Batay sa ulat ng San Fernando police, papunta sana sa ilog si Cabiles umaga ng Miyerkoles kasama ang kaniyang apo nang pagbarilin ito. 

Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang San Fernando police para matunton at maaresto ang mga suspek. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.