Bantay Bata 163, higit 20 taon nang tumutulong sa mga nangangailangang bata

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2019 08:28 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA – Mga batang sinaktan, inabuso, o inabandona – ilan lamang ito sa mga kalbaryo ng mga musmos na inilalapit sa Bantay Bata 163. 

Mula nang itatag ito ni Gina Lopez noong 1997, nagsilbi nang takbuhan ang hotline para sa mga batang inaabuso at pinapabayaan. 

Naging tulay rin ang hotline para sa mga magulang na nangagailangan ng tulong para sa kanilang anak. 

Inilalapit din ng Bantay Bata help desk sa ABS-CBN Tulong Center ang paghingi ng medical assistance at iba pang ayuda para sa mga batang may pangangailangan. 

Kabilang dito ang 4 anyos na si Dylan Corpuz, na hinanapan ng mga sponsor para mabayaran ang operasyon sa butas sa kaniyang puso. 

"Hanggang 6 months lang po 'yung taning ni Dylan noon kailangan po namin ng mahigit P3 milyon para po sa surgery niya. Naghanap po sila ng sponsor para magbayad ng bill namin," ani Allen Corpuz, ina ni Dylan. 

Mahigit 20 taon na ang nakalipas pero tuloy pa rin ang paglilingkod ng Bantay Bata.
 
Bumuo na rin ng call center ang Bantay Bata para sa mas malawak at mabilis na serbisyo. 

--Ulat ni Jing Castañeda, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.