PatrolPH

ALAMIN: Mga dapat tandaan sa pag-e-enroll ng TESDA course

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2019 10:40 AM | Updated as of Aug 08 2019 11:06 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Nais mo bang mag-enroll sa mga kurso ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)?

Ibinahagi ni TESDA-Caraga Regional Director Florencio Sunico ang requirements at proseso nito sa "Usapang de Campanilla" nitong Miyerkoles.

Ayon kay Sunico, dapat Filipino citizen ang aplikante.

Maaaring mag-enroll ang mga high school o undergraduate students, depende sa kinakailangan ng industriyang nais papasukin.

Kinakailangan ding pumunta ang aplikante sa pinakamalapit na TESDA center para pumirma ng application form. Dito na rin sila i-po-profile.

"Fi-fill-up-an nila 'yon. They go through profiling para ma-match ka kung anong aptitude, anong course tas iga-guide ka. Iga-guide 'yung bata," ani Sunico.

"Kasi kung interest mo ay ganito, dapat i-match sa job requirements. Talagang mayroong training na jobs," dagdag niya.

Aabot sa 282 courses ang maaaring pagpilian, gaya ng agrikultura, health and wellness, construction, informations technology, at iba pa.

Depende rin sa kurso ang magiging matrikula at oras na ilalaan para rito. Pero ayon kay Sunico, may mga scholarship sila para sa mga nangangailangan.

Maaaring tingnan sa website ng TESDA ang mga maaaring pagpiliang kurso.

Alinsunod ang pagbubukas ng TESDA sa Republic Act No. 7796 o ang "Technical Education and Skills Development Act of 1994" na layong magbigay ng mas abot-kaya na trabaho.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.