Sanggol patay matapos maiwan sa duyan ng nasusunog na bahay

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2017 05:55 PM

Ang nasunog na bahay kung saan naiwang natutulog ang isang sanggol sa Brgy. Cadilang, Passi City nitong Linggo.

PASSI CITY – Patay ang isang anim na buwang sanggol matapos maiwang natutulog sa duyan ng nasunog na bahay sa Passi City nitong Linggo.

Kwento ng ina ng sanggol na si Heart, pumunta ito sa bahay ng kanyang hipag upang maghugas ng pinggan, ngunit nang binalikan niya, sunog na ang buong bahay.

Tinangka pang iligtas ng kanyang lolo si Heart pero dahil malaki na ang apoy ay hindi na ito naagapan.

Nagtamo ang sanggol ng first degree burns sa kamay, pisngi at tainga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang bahay.

Nakahanda namang mag-imbestiga ang Passi City Police sa nangyaring sunog.

Posible namang makasuhan ang ina ng sanggol sakaling mapatanuyan na may kapabayaan ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.