Bangkay ng matandang lalaki, natagpuan sa gitna ng bukid

Kim Lorenzo, ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2017 04:19 PM

ILOCOS NORTE - Natagpuan sa gitna ng bukid ang bangkay ng isang matandang lalaki sa Barangay Abucay sa Piddig, Ilocos Norte noong Lunes.

Nakilala ito na si Leonardo Matute, 66 taong gulang.

Ayon sa pulisya, nadatnan nila ang nakadapang bangkay ni Matute sa bukid.

Lumalabas sa imbestigasyon na kumukuha ito ng halaman para sa kaniyang alagang baka.

Wala namang nakitang foul play o sugat na senyales na nakagat ito ng ahas.

"Wala tayong nakitang anumang sugat na pwedeng nakagat nang ahas dahil nga bukid doon. Walang foul play," ani Senior Insp. Juliffer Narag, hepe ng pulis sa Piddig, Ilocos Norte.

Dagdag pa ni Narag, sa pagsusuri ng doktor posibleng inatake sa puso ang biktima dahil sa init ng panahon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.