1 patay sa sunog sa estasyon ng pulis sa Misamis Or

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2017 09:48 AM | Updated as of Aug 08 2017 09:50 AM

Isa ang patay matapos na sumiklab ang apoy sa compound ng Municipal Hall ng El Salvador City sa Misamis Oriental, Martes ng madaling araw.

Namatay sa sunog ang isang lalaking pinaniniwalaang may problema sa pagiisip at nasa kustodiya ng El Salvador City Police Station na matatagpuan sa naturang compound.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa bodega ng City Engineering Office, kung saan pansamantalang ikinustodiya ang lalaki.

Bayolente umano ang lalaki kaya ipinakustodiya ito sa pulisya.

Nasunog rin ang mga logistical supply ng pulisya katulad ng mga bala at granada.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.