PatrolPH

Provincial director ng Bangsamoro Human Rights Commission, nakaligtas sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2022 11:19 PM

COTABATO CITY - Nakaligtas sa pamamril ang Provincial Director ng Bangsamoro Human Rights Commission na si Atty. Ariff Lao.

Naganap ang pamamaril noong Sabado bandang ala-7 ng gabi sa Sinsuat Avenue, Cotabato City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Cotabato Police, nakaparada ang sasakyan ng opisyal sa gilid ng daan dahil bumili ito ng burger nang pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na salarin.

Nanawagan ang Bangsamoro Human Rights Commission sa mga kinaukulan na imbestigashan at panagutin ang mga salarin na nasa likod ng pamamaril sa sasakyan ni Lao.

Magsasagawa rin ng parallel investigation ang BHRC kaugnay sa insidente.

- ulat ni Lerio Bompat

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.