MAYNILA - Itinuring na model city ang Parañaque dahil sa umano'y best practices na ginagawa nito upang malabanan ang COVID-19.
Pinuri ni Sec. Carlito Galvez, chief implementer ng National Task Force COVID-19 ang Parañaque para sa isang ginawang pagpupulong ng NTF Huwebes ng hapon, kung saan iprinisinta ng lungsod ang mga hakbang na ginagawa nila para labanan ang pagkalat ng sakit.
Ayon kay Galvez, “model city” na maituturing ang Parañaque “considering 'yung unity of effort at saka 'yung systematic workflow."
"When you are united, you will win the war,” aniya.
“The strategies are really working and they are already implementing it at the barangay level. Alam nila saan dapat i-address ang problema,” dagdag niya.
“We will get some of the best practices to share it with the other LGUs,” ani Health Usec. Beverly Ho.
Ayon kay Dra. Olga Virtusio, city health officer ng Parañaque, susi sa matagumpay na laban sa COVID-19 ang suporta ng lahat ng lokal na opisiyal, aktibong barangay, at siyempre health workers at maayos na isolation facilities.
Sa pinakahuling tala ng lungsod, nasa 2,833 ang mga kaso ng COVID-19 at 784 dito ay mga active cases.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Parañaque, Parañaque updates, Parañaque model city, Parañaque COVID-19, Parañaque coronavirus, Parañaque cases, Tagalog news