Bangkay ng babae natagpuan sa fishpond sa Valenzuela

ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2019 04:57 AM | Updated as of Aug 07 2019 07:22 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA (UPDATE) —Natagpuan ang bangkay ng isang babae sa isang fishpond sa Valenzuela City noong Biyernes.

Naaresto naman ng mga pulis sa isang private rehabilitation center sa Pampanga ang lalaking huling kasama ng biktima.

Inamin ng suspek na napatay niya ang biktima dahil umano sa away sa pera.

"Nagdilim ang paningin ko. Nasaksak ko siya ng kitchen knife," aniya.

Depensa ng suspek, inaaway at sinasaktan umano siya ng biktima kapag naniningil ito ng utang.

"Sumunod siya sa akin, sinampal ako. May maliit kasi ako na utang na P500," aniya.—Ulat nina Jeck Batallones at Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.