Abandonadong tindahan sa Antipolo, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2019 04:55 AM

MAYNILA—Nasunog ang isang abandonadong tindahan sa Antipolo City, Rizal Miyerkoles ng hatinggabi.

Ayon kay SFO2 Gerardo Lopez ng Bureau of Fire Protection (BFP) Antipolo City, nagsimula ang sunog alas-12:30 ng madaling-araw at umabot ito sa unang alarma.

Idineklarang fire-out ang insidente ala-1:13 ng madaling-araw. Tinatayang nasa P5,000 ang danyos ng sunog.

Base sa imbestigasyon ng mga bombero, tinirhan ng isang palaboy ang abandonadong tindahan. Gumagamit umano ito ng kandila at gasera na siya namang pinaghihinalaang pinagmulan ng sunog.

Namatay naman ang isang aso na alaga ng palaboy.—Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.