'Mga impormasyon sa National ID system, protektado ng Data Privacy Act'

ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2018 04:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ang batas sa National ID System, na layuning bigyan ng isang ID o pagkakakilanlan ang lahat ng mamamayan ng bansa.

Sa kabila ng kaginhawaan na maaaring makuha rito, may ibang nangangambang malagay sa panganib ang kanilang mga impormasyon.

Pero iginiit ng isang abogado na protektado na rin sa ilalim ng isa pang batas ang mga impormasyong ibinibigay natin sa gobyerno. 

Isinabatas na kasi noong 2012 ang Data Privacy Act, na layong gawing confidential ang impormasyong ibinibigay ng mga mamamayan sa pamahalaan.

"May fear na 'yung data na mailagay doon ay hindi protektado. Isa sa mga rason kung bakit na-declare itong unconstitutional before is because walang Data Privacy Act noon. Ngayon meron na," paliwanag ni Atty. Erin Tañada sa "Usapang de Campanilla" ng DZMM noong Lunes. 

Pangangasiwaan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbibigay ng National ID. 

Pero ani Tañada, maaari pa raw maghain ng petisyon sa Korte Suprema upang magkaroon ng Temporary Restraining Order (TRO) o preliminary injunction laban sa pagpapatupad ng bagong batas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.