PatrolPH

Butanding natagpuang patay sa Tagum City

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2018 09:22 PM | Updated as of Aug 08 2018 07:18 PM

TAGUM CITY—Nagulat ang mga residente sa Barangay Busaon nang makita ang isang butanding na patay na sa baybayin ng barangay Martes ng umaga.

Ayon sa residenteng si Nonoy Tugap, maaaring tinangay ng malalaking alon ang butanding sa baybayin ngunit hindi na nakabalik dahil naabutan na ito ng low tide.

Ayon sa bone collector na si Darrel Blatchley na inatasan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na kukuha sa isda, ito ay may habang 14 feet at may bigat na 300 hanggang 400 kilos.

Ikinatuwa niya na walang kumatay sa isda kahit na matagal na itong namatay.

Isasailalim pa ngayon sa necropsy ang patay na butanding upang alamin ang dahilan ng pagkamatay nito.

Isasailalim rin sa casting ang mga labi nito at ilalagay sa museum.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.