2 estudyante, huli sa pagbebenta ng marijuana

ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2018 07:44 AM

CAGAYAN DE ORO CITY - Arestado ang 2 estudyante sa buy-bust operation sa Barangay 16, Cagayan De Oro City Lunes ng hapon.

Nakuha sa kanila ang 7 sachet ng umano'y marijuana at mga drug paraphernalia.

Ang isang suspek ay nasa kolehiyo habang ang isa ay nasa senior high school.

Ayon kay Senior Insp. Bernard Colegio ng Police Station 8, mga estudyante rin umano ang kliyente ng mga suspek.

Iniimbestigahan na rin nila kung sino ang supplier ng 2 estudyante, aniya.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga hinuli na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Joey Taguba Yecyec, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.