Bus, nawalan ng preno; mahigit 20 pasahero sugatan

ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2016 08:15 PM

CAMARINES NORTE - Mahigit 20 pasahero ang sugatan matapos mawalan ng preno ang isang bus sa Barangay Tuaca, Basud sa Camarines Norte Linggo ng hapon.

Nahulog ang isang WIN Express bus sa gilid ng kalsada. Ayon sa driver nito na si Ramon Bercasio, mechanical error ang nangyari dahil nawalan umano ng preno ang bus.

Sampung pasahero na lubhang nasugatan ang naka-confine sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.